Student LifeUPOUUPOUWika 1

Dotok

DOTOK

Dotok ay isang Bikolanong konsepto para sa isang panrelihiyong paglalakbay. Ito ay salitang ugat ng  pandiwang “nag-dotok” at “mag-dutok.” Kung hindi lapian ang dotok, ito ay isang pangngalan. Isinalin ni Padre Marcos Lisboa ang salitang ugat na Dotoc bilang pandiwa sa halip na pangngalan. Sa depinisyon ni Padre Lisboa (1985), ang dotoc ay “llegar, o acercarse a alguna parte” na sinalin nila Mintz at Britanico (1985) bilang “dotok” na nagsasaad ng ‘advent’ o pagdating. Nagkomento si Padre Fruto Ramirez, isang paring Heswita at isang Bikolano na may posibilidad na mali ang pagsasalin ni Padre Marcos Lisboa sa salitang ugat na Dotok bilang pandiwa sa halip na pangngalan. Noong nagsisimula pa lang ako sa pagsusulat patungkol sa dotok, naka-chat ko si Padre Ramirez sa fb. Dati ko na syang nakikita nang personal sa Loyola School of Theology , isang gradwadong paaralan para sa teolohiya ng Ateneo de Manila University, noong nag-aaral pa ako ng Pastoral Ministry.  

Ang Dotok sa Kabikolan ay isang pangkulturang pagtatanghal. Ang aktibidad na ito ay isang paglalakbay pabalik sa aking kabataan kung saan pinangunahan ko ang isang Dotoc bilang pastoral youth chairman sa kapilya ng San Isidro sa Baao, Camarines Sur. Isa akong tagaloob na nag-aaral ng sarili kong kultura batay sa lente na natutunan ko mula sa klaseng Teatro ni Propesor Tiatco.  Ang pagsisikap na ito ay maaaring makatulong na maipahayag ang aking pag-unawa sa Pagkakakilanlan ng Filipino sa kontekstong Bikolano.  

Ayon kay La Salle Dean at Propesor Jasmin Llana, na nag-aral at sumulat ng mahabang panahon patungkol sa Dotoc na kung saan nakalahad ito sa kanyang disertasyon na pinamagatang “The Bicol Dotoc: Performance, Postcoloniality, and Pilgrimage.” Ito ay pang-doktoral na pananaliksik ng mag-aral sya sa Department of Theatre, Film and Television  ng Aberystwyth University. Ayon kay propesor Llana,  

“Ang dotoc ay isang relihiyosong debosyon sa Banal na Krus. Taun-taon sa Abril at Mayo, ang mga komunidad sa rehiyon ng Bikol sa Pilipinas ay nagsasagawa ng dotok sa loob ng siyam na araw. Ginagampanan ng mga babaeng cantor ang papel ng mga pilgrim na naglalakbay sa Holy Land upang bisitahin ang Holy Cross o kaya naman isadula ang paghahanap ng Krus ni Santa Elena. Ang dotoc ay iba sa sikat na mga prusisyon sa Mayo na kung saan nagtatampok ng mga lokal na dilag bilang mga reyna sa santacruzan.  

Sa pagbabalik-tanaw sa Dotok, naalala ko ang isang pagsasadula sa tulong ni Ma’am Delfina Olano na isinagawa sa labas ng kapilya kung saan nagtatanghal at kumakanta ang mga matatanda na sinasabayan ng gitarista, patungo sa altar na binubuo ng anahaw, dahon ng niyog, bulaklak at puno ng saging na nakapalibot sa Holy Cross na nakaupo.  Tinatawag ang mga kalahok na Paradotok habang ang mga kumakain ay tinatawag na Paragotok. Madalas maghanda ng ginalapong ang matatandang babae para may makain ang mga kalahok sa Dotok. Ang Ginalapong ay isang lokal na delicacy at hugis pentagon. Ang pagkaing ito ay gawa sa harina ng bigas, karne ng niyog, at asukal na nakabalot sa mga dahon ng niyog, na pagpipiyestahan ng mga tao pagkatapos ng novena. 

Ang Drama ng Dotoc ay hango sa mga sinaunang Kristiyanong kwento patungkol sa panrelihiyong paglalakbay nila Santa Elena at Emperador Heraclius para hanapin ang banal na krus ng Panginoong Hesus. Ang Teatro ng Dotok ay itinatag sa mga kwentong pampanitikan ngunit nagkaroon ng pananaw na gawing buhay ito at bumuo ng komunidad ng mga magsasadula at madla na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Gaya ng itinuro ni Dr. Sir Anril Tiatco, “live, immediate at intimate ang teatro.”  

Ang Teatro ng Dotoc ay itinatag sa mga kwentong pampanitikan ngunit nagkaroon ng pananaw na isabuhay ito at bumuo ng komunidad ng mga magsasadula at madla na makikipag-ugnayan sa isa’t isa. Gaya ng itinuro ni Dr. Sir Anril Tiatco,  “theatre is live, immediate and intimate.” Kahit na ang isang pagtatanghal ay ginagabayan ng isang iskrip, ang bawat karanasan sa teatro ay natatangi. Tandaan ang kasabihan: walang dalawang pagtatanghal ng parehong palabas ay pareho. 

Sa “Performing Catholicism”, isinulat ni Dr Tiatco, ang konsepto ng iterability. Iminumungkahi ni Butler na hindi tayo maaaring magsalita (o kumilos) nang walang iskrip. Gayunpaman, hindi rin tayo makakaayon lagi nang eksakto sa script…. Kadalasan, ang iskrip ay batay sa banal na kasulatan at dogma. Paulit-ulit na isinasadula ito ngunit nagbabago ang bersyon sa bawat pagtatanghal. Ito ay nagpapakita ng isang permanenteng liminality. Wika ang ginagamit sa pagtatanghal. Natutuhan ko kay Dr Jayson Petras, ang namumuno ng UP Sentro ng Wikang Filipino, na ang wika ay buhay at dinamiko. Ito ay nagbabago. 

 

Sanggunian  

Peterbreboneria. (2021, August 3). DOTOC: Performing bicol’s catholicism. Peter Breboneria Official Website. Retrieved November 27, 2022, from https://peterbreboneria.com/dotoc-performing-bicols-catholicism/ 

Utakhenyo. (2021, September 10). DOTOC: Performing bicol’s catholicism. Utak Henyo. Retrieved November 27, 2022, from https://utakhenyo.com/dotoc-performing-bicols-catholicism/  

Llana, Jazmin Badong. 2010. “The Bicol DotocPerformance, Postcoloniality, and Pilgrimage.” The Bicol Dotoc – Aberystwyth Research Portal. March 16, 2010. https://pure.aber.ac.uk/…/the-bicol-dotoc(9a471a1e-3d71….  

Llana, Jazmin Badong (2011) Pilgrimage as Utopian Performative for a Post-Colonial Counterpublic, Performance Research, 16:2, 91-96, DOI: 10.1080/13528165.2011.578839 

 
“Dotoc.” 2011. Philippine Performance Repository. blogspot.com. January 12, 2011. http://philippineperformance-repository.upd.edu.ph/2191/. 

 
Tiatco, Sir Anril Pineda. 2016. Performing Catholicism: Faith and Theatre in a Philippine Province. Quezon City, Ph: University of the Philippines Press. 

 
Llana, and Jazmin Badong. 1970. “The Komedya in the Bicol Dotoc: Prelude or Main Event?” Philippine Performance Repository. January 1, 1970. http://philippineperformance-repository.upd.edu.ph/227/ 

Photo Courtesy of the Archdioces of Caceres 

 

 

 

 

 

 

 

About the Author

Peter Dadis Breboneria II (Formerly Peter Reganit Breboneria II) is the founder of the International Center for Youth Development (ICYD) and the program author/ developer of the Philippines first internet-based Alternative Learning System and Utak Henyo Program of the Department of Education featured by GMA News & Public Affairs and ABS-CBN and MOA signed by Department of Education, Voice of the Youth Network, Junior Chamber International (JCI), and the Philippine Music and the Arts. You may visit his website at www.peterbreboneria.com.