Student LifeUPOUUPOUWika 1

Papogi

Papogi

Ibinalita ng CNN Philippines noong April 4, 2020 patungkol sa pagboboluntaryo ng karamihan sa mga miyembro ng Gabinete na magbawas ng buwanang sweldo upang matulungan ang gobyerno na mapigil ang pagsiklab ng COVID-19.Sa kabila ng ganitong aksyon, ang Gising PH ay nag-komento: “Papogi Moves ng mga pangit.” Hindi lamang sa komento makikita ang Papogi kundi sa Titulo mismo ng Balita. Ito ang mababasa sa titulo ng POLITIKO NEWS:  

  

“Papogi pa more! Velasco cites media’s role in fighting COVID-19 fake news” 

  

Sa opinyon ng manunulat na si Billy Begas na ang pagbigay ng pahayag ni Speaker Lord Allan Jay Velasco patungkol sa pagsugpo sa fake news ay isa lamang papogi. 

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang pogi ay isang pang-uri na nangangahulugangmagandang lalaki.” Subalit kapag nilagyan ng unlaping “pa”, ito ay nagiging pandiwari. Ayon sa Humpogi blog, ang mga papogi ay pantukoy sa mga taong nakakabenteng ayos sa salamin para 20x ang pogi level. Sila rin iyong mahilig mag-post ng “Ang pogi ko” sa facebook. Kasama na ang mga lalaking may Pogi problems. Ito ay katuwaan lamang sa ordinaryong buhay-pinoy. Subalit nakakagalit kung gagamitin ito sa mga kasalukuyang pulitiko. Para kay Ben Tulfo ng Pilipino Star ngayon, ang Papoging Pulitiko ay “Naturingang mga lider pero wala namang katangian ng pagiging lider. Marami ang mga kapalmuks. Masyadong papogi. Gusto lagi ng popularidad.Malapit na talaga ang eleksyon.. Sa halip na result-oriented, sangkaterbang mga performance-conscious at accomplishment conscious. Ang kanilang paniwala, lahat ng anumang nagawa nila, dapat ipangalandakan, ipaalam at ipabalita. Maliit man o malaking proyekto o programa ng gobyerno lalo na kapag matagumpay gusto laging dikit sa kanilang pangalan.”  

Ang mga kandidato sa halalan ay nababahala tungkol sa kanilang mga pampublikong imahe. Ito ay may kaugnayan sa pagkapanalo sa halalan. Ang mga “Image Makers” ay may mahalagang papel sa anumang pangkat ng pamumuno sa pulitika. Ang “Pogi: the imaging of Philippine Presidents” ay isang dokumentaryong pelikula na sumasaklaw sa pulitika ng Pilipinas sa panahon ng mass media at kung paano naapektuhan ng imahe ng mga pinuno ang desisyon ng mga botante. Tinalakay sa dokumentaryo kung paano binihag o nabighani ng charisma at mastery ng mass media ang masa para iboto sina Manuel Quezon, Ramon Magsaysay, Ferdinand Marcos, at Joseph Estrada. Sa nakaraang eleksyon, nagpa-pogi si Pangulong Marcos Jr sa pamamagitan ng positibong publisidad sa social media.Gumawa nga ng mga video series at film na magpapaangat sa kanyang imahe. Subalit naniniwala ang mga eksperto na gumamit sya ng hindi makatotohanang impormasyon para magmukhang pogi sa mayoryang Filipino at makakuha ng mas maraming boto.

Sanggunian  

  

Wui, M. G. L. (n.d.). Papogi: The Imaging of Philippine Presidents (directed by Butch Perez). Kasarinlan: Philippine Journal of Third World Studies. Retrieved December 10, 2022, from https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/kasarinlan/article/view/483  

  

PH, G. (2020, April 4). Papogi moves Ng Mga Pangit. Hahaha, Madali Naman Yatang Mapalitan Yan Hahaha …#IntelligenceFundsPaMore. Twitter. Retrieved December 10, 2022, from https://twitter.com/AnonGisingPH/status/1246288018199044097  

  

Papogi Pa More! Velasco cites media’s role in fighting covid-19 fake news – politiko. POLITIKO – News Philippine Politics. (2021, April 20). Retrieved December 10, 2022, from https://politics.com.ph/2021/04/20/papogi-pa-more-velasco-cites-medias-role-in-fighting-covid-19-fake-news/  

  

Humpogi. (2017, October 12). What kind of Pogi are U? hum. Retrieved December 10, 2022, from https://humpogi.wordpress.com/2017/09/26/first-blog-post/  

 

Mendoza, G. B., authorGemma B. Mendoza@gemmabmendoza Gemma Mendoza leads Rappler’s multi-pronged efforts to address disinformation in digital media, Author, Gemma Mendoza leads Rappler’s multi-pronged efforts to address disinformation in digital media, & Mendoza, M. from G. B. (2021, December 8). Networked propaganda: How the Marcoses are using social media to reclaim Malacañang. RAPPLER. Retrieved December 10, 2022, from https://www.rappler.com/newsbreak/investigative/245290-marcos-networked-propaganda-social-media/ 

 

 

 

About the Author

Peter Dadis Breboneria II (Formerly Peter Reganit Breboneria II) is the founder of the International Center for Youth Development (ICYD) and the program author/ developer of the Philippines first internet-based Alternative Learning System and Utak Henyo Program of the Department of Education featured by GMA News & Public Affairs and ABS-CBN and MOA signed by Department of Education, Voice of the Youth Network, Junior Chamber International (JCI), and the Philippine Music and the Arts. You may visit his website at www.peterbreboneria.com.