Student LifeUPOUWika 1

Repleksyon sa Panayam ni Propesor Jayson Petras kay Dr Jose P. Abueva

Repleksyon sa Panayam ni Propesor Jayson Petras kay Dr Jose P. Abueva

By: Peter Breboneria II

Una sa lahat nais kung ibahagi na nahirapan ako sa pagsagot sa tanong gamit ang Filipino.Subalit masaya ako sa pagkakataong ito at mahasa sa inyong klase (Klase ni Propesor Jayson Petras). Kukuha po ako ng kursong Philippine Studies major in Film and Theatre Arts sa UP Diliman pagkatapos kung tapusin ang Education Studies sa UP Open University. Ito ang kabuuang pananaw ko hinggil sa Palisi sa Wika ng UP: Mabuti at merong inisyatiba at nasimulan na. Isang adhikain na hindi madali subalit makakatulong para patatagin ang bansa at tumaas ang antas ng karunungan ng mga Filipino.

Ayon sa panayam sa dating pangulo ng UP na si Dr.Jose P. Abueva na syang namahala ng mga “patakarang Pangwika”, nagtayo ng Sentro ng Wikang Filipino, at nagbukas ng mga programa para sa ikakapalaganap ng paggamit ng Wikang Filipino, ipinatupad nya ang paggamit ng Filipino sa mga “pananaliksik at pagtuturo” sa UP upang palakasin ang “diwang makabayan.” Ang adhikaing ito ay nauna ng nakita sa departamento ng Sikolohiya, Kasaysayan, at Antropolohiya. 

Naibahagi nya rin na sa Malaysia, Japan, Indonesia, at Singapore ay hindi Ingles ang gamit kundi ang kanilang sariling lingwahe. 

Ang pinakamaganda sa kwento nya ay ang hindi pagkawala ng pagkakilanlan kahit multi-lingual at multi-racial sa Singapore na kung saan ginamit at tinanggap lahat ng wika.

Ang kanyang patotoo ay kapani-paniwala lalo na sya ay nanirahan sa ibang bayan humigit labing walong taon (18).

Dalawang bahagi ang kanyang kampanya sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa: ang pagsulong sa Filipino bilang Wikang Pambansa, at paggamit ng dialect ng iba`t ibang rehiyon sa bansa.

Napaka-objective ni Dr Abueva sa pagpili ng Filipino bilang wikang pambansa.Siya ay isang Boholanong Bisaya. Filipino ang isinulong dahil sa katalugan ang kapital ng bansa at nagsimula ang rebolusyon laban sa mang-aapi. Ika nga sabi nya, “Historical Accident” 

Pinakita nya pa rin ang kahalagahan ng pag-aaral ng iba’t ibang lingawahe lalo na ng Ingles dahil karamihan sa mga nailathala ay sa salitang Ingles. Karamihan din sa mga Iskolar ay Ingles ang gamit.

Maisasakatuparan ito sa Associate in Arts ng UP Open University kung magkakaroon ng aralin kung paano magsalita at magsulat ng tama gamit ang Filipino. Mahalaga rin aralin ang literatura, kultura, at sikolohiya ng mga Pilipino. Mahalaga rin na ituro ang mga general education at major subjects sa salitang Filipino.Mas lalong aalab ang pagmamahal sa bayan kung ang wikang gagamitin sa pag-aaral ay Filipino.

Reperens

Petras, J. D. (2012). Pangunahing Reporma Ko Ang Pagtataguyod ng Filipino: Panayam Kay Dr. Jose V. Abuev. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino. Retrieved November 7, 2022, from https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/3281 

About the Author

Peter Dadis Breboneria II (Formerly Peter Reganit Breboneria II) is the founder of the International Center for Youth Development (ICYD) and the program author/ developer of the Philippines first internet-based Alternative Learning System and Utak Henyo Program of the Department of Education featured by GMA News & Public Affairs and ABS-CBN and MOA signed by Department of Education, Voice of the Youth Network, Junior Chamber International (JCI), and the Philippine Music and the Arts. You may visit his website at www.peterbreboneria.com